𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗨𝗥𝗡 𝗢𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭

Mas pinagtitibay pa ang kakayahan ng Police Regional Office (PRO) 1 pagdating sa kanilang mga operasyon kontra krimen sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan.

Nito lamang ay naiturn over sa Police Ilocos Region ang mga bagong mobility assets para sa pagpapa-angat ng serbisyong inihahatid ng kapulisan.

Naiturn over sa mga ito tatlumput isang motorsiklo, siyam dito ay Pangasinan habang labing dalawa sa Ilocos Sur, anim sa La Union, at apat sa Ilocos Norte.

Tumanggap din ng tatlong tranport vehicle ang PRO1 Command Group.

Makatutulong ang mga bagong sasakyan sa pagpapa-angat pa sa seguridad ng publiko at aragang pagreresponde ng kapulisan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments