π— π—šπ—” 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘ 𝗦𝗔 π—”π—Ÿπ—”π— π—œπ—‘π—’π—¦ π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—”π—žπ—œπ—œπ—¦π—” 𝗦𝗔 π—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—§π—”π—‘π—”π—‘π—˜π—’π—¨π—¦ 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—–π—Ÿπ—˜π—”π—‘ –𝗨𝗣 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜

Nakiisa ang mga barangay at paaralan sa pagsulong ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City sa pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng Simultaneous Barangay Clean-Up Drive in Line with the Celebration of the 2024 Month of the Ocean.

May temang β€œPlanet Ocean: Tides are Changing” ang pagsasagawa ng naturang clean-up drive kung saan prayoridad na bigyan pansin rin ang kalinisan sa mga karagatan.

Layon din ng pagsasagawa ng clean-up drive na ito na patuloy na mapangalagaan ang kalikasan at pagpapanatili sa kalinisan ng kapaligiran.

Patuloy rin ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan sa mga residente na tumulong sa paglilinis ng kapaligiran at maging mapagmahal sa kalikasan nang sa gayon ay mapabuti ang komunidad. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments