Inihayag ni League of Municipalities of the Philippines-Pangasinan Chapter President Leopoldo Bataoil na dapat umanong manguna ang mga barangay officials sa panahon ng sakuna.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa alkalde, mahalaga ang pagtutok ng mga barangay officials sa kanilang nasasakupan dahil ito ang kanilang sinumpaang tungkulin na bantayan at tulungan ang mga residente sa kanilang nasasakupan.
Sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Carina sa probinsiya, nag-ikot ang alkalde sa mga barangay ng Lingayen kung saan ilang barangay officials umano ang hindi nakikiisa sa kanilang adhikain sa pagiging handa sa kalamidad dahil sarado ang kanilang barangay hall.
Bagamat handa ang augmentation ng lokal na pamahalaan mahalaga ang gampanin ng mga barangay officials na siyang dapat na naka tutok sa kalagayan ng kanilang mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨