Sumailalim sa drug testing ang mga barangay officials ng Balaoan sa La Union.
Nasa 389 na katao mula sa tatlumpu’t anim na barangay ang sumailalim sa onsite drug testing.
Layunin nito na tiyaking hindi sangkot sa iligal na droga mga opisyal na barangay at malinis sa pagbibigay serbisyo.
Ang mga magpopositibo sa initial screening ay sasailalim sa confirmatory test.
Ang isang opisyal o Empleyado ng gobyerno na nagkasala sa paggamit ng illegal na droga ay mahaharap sa kasong grave misconduct at matatanggal sa serbisyo base sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments