π— π—šπ—” 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—¦π—œπ—‘π—œπ—¦π—œπ—šπ—¨π—₯π—’π—‘π—š π—‘π—”π—£π—”π—£π—”π—‘π—”π—§π—œπ—Ÿπ—œ π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—œπ—šπ—œπ—‘π—š 𝗗π—₯π—¨π—š-π—–π—Ÿπ—˜π—”π—₯

Sinisiguro ng lokal na gobyerno ng Dagupan City ang pagpapanatili sa mga drug-cleared barangays upang tuloy-tuloy ang adbokasiya laban sa iligal na droga.

Ilan sa isinasagawa ng LGU sa pagpapanatili nito ay workshop ukol sa Barangay Drug-Clearing Program bilang pakikiisa sa adbokasiyang wakasan ang paglaganap ng iligal na droga.

Ang naturang workshop ay nakapagbigay ng oportunidad sa mga Barangay Councils upang malaman ang proseso kung paano idineklarang Drug-cleared ang kanilang mga sakop na barangay pati na rin ang iba pang requirement sa pag-apply dito.

Mahalaga rin na mapanatili ang mga barangay na drug-clear para sa pagpapanatili rin sa kaayusan at seguridad sa lungsod laban sa anumang kriminalidad.

Samantala, patuloy ang adbokasiya nito sa lungsod bilang tinaguriang sentro ng komersyo at kalakalan ang Dagupan City sa Northern Luzon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments