𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Sa kabila ng pagdagsa ng mga beachgoers sa mga baybayin ng Pangasinan, kapansin-pansin din ang mga naglipanang basura sa daanan maging sa tabi ng dagat mismo.

Mga pira-pirasong plastik, sticks, baso, at iba pang mga pinagkainan ang pinagkakaiisahang pulutin ng mga nagmamagandang-loob na residente at maging ng mga street aide, sa dagat ng Lingayen, sa mismong araw ng kapaskuhan.

Ayon sa mga aide na nagpupulot ng mga basura, may ilang mga beachgoers talagang hindi mapigilang iwan ang mga basura sa mga daanan at tabing dagat. Ngunit, mas marami pa rin, anila, ang nagpapakita ng disiplina sa pagtatapon sa mga basurang sa tamang lugar.

Samantala, pakiusap naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na sa mga pagkakataong maraming beachgoers and bumibisita ay maging responsable at maging disiplinado sa pagtatapon ng mga basura, sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga ito sa tamang tapunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments