𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗪𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗜𝗡𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗘𝗗𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

CAUAYAN CITY – Namahagi ng tulong ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santor, Reina Mercedes, Isabela, sa mga piling bata at Persons with Disabilities (PWD).

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng grocery packs na magagamit sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, na mula sa isang hindi nagpakilalang donor.

Ang aktibidad ay bahagi ng Project Caring, isang inisyatibang layuning makatulong sa mga bata at PWD sa simple ngunit makabuluhang paraan.


Samantala, sa Brgy. Minallo, Naguilian, Isabela, matagumpay na isinagawa ang Katipunan ng Kabataan Assembly at Sportsfest.

Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi rin ng school supplies sa 130 mag-aaral upang makatulong sa kanilang pag-aaral.

Facebook Comments