Dinagsa ang ilang mga beach sa lalawigan ng Pangasinan sa mismong araw ng mga puso, partikular na sa Tondaligan Beach sa Dagupan City.
Karamihan sa mga namasyal ay pawang mga magsing-irog, magkakaibigan, at maging magkakapamilya.
Ayon sa ilan, pinili nilang tumuloy na lamang sa beach, upang makatipid, dahil dito ay walang entrance fee at presko raw ang hangin.
Ani pa ng karamihan ay talagang nakagawian na nila ang magpunta sa mga beach sa ganitong okasyon dahil mas romantic daw di umano ang setting ng kanilang valentine’s date.
Paalala naman ng lokal na pamahalaan na sigurin at panatilihin ang kalinisan sa paligid kasabay ng pagdagsa ng mga tao.
Ang Valentine’s Day ang ginugunita tuwing ika-14 ng Pebrero, at nataon din ito sa tradisyon na Ash Wednesday. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨