Bagamat may itinaas na storm surge warning, Dinayo pa rin ng mga beach goers ang ilan sa mga beach sa lalawigan ng Pangasinan nitong weekend.
Sa San Fabian beach, nakitaan pa rin ng dami ng mga beach goers na sinusulit ang pagligo sa dagat.
Maging sa Lingayen Capitol beach ay may mga bumisita pa rin upang maligo at magpahinga sa tabing dagat upang magpahangin.
Ang ilan naman sa residente malapit sa tabing dagat, inaasahan na ang maaaring maging epekto ng susunod na bagyong dadaan at naghahanda na rin kung sakali man na kinakailangang mag-evacuate sa oras na lumakas ang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments