𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗚𝗔𝗗 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Napamahagian ng tulong mula sa City Social Welfare Development Office ang mga biktima ng sumiklab na sunog sa residential area sa may bahagi ng Sitio Maharlika Brgy. Caranglaan, Dagupan City.

Isinagawa rin ng tanggapan kaisa ang barangay council ang profiling upang makapagbigay ng tulong pinansyal na kinakailangan upang makapagpatayo ng bagong tirahan.

Napag-alaman na siyam na bahay na pagmamay-ari ng 13 pamilya ang natupok ng apoy at kabuuang 34 indibidwal naman ang apektado sa insidente.

Halos isang oras ang tinagal ng apoy kung saan nasa anim na firetrucks mula sa lungsod Calasiao, San Carlos, CDRRMC Dagupan at dalawang volunteer fire brigade ang tumulong.

Ayon naman sa detalyeng nakalap ng IFM Dagupan mula sa isang residente malapit sa lugar ng sunog at kaanak din ng mga biktima, kasalukuyang nag-evacuate ang mga biktima sa Caranglaan Elementary School at kahit walang nailigtas na gamit ang mga ito ay ligtas naman ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi pa tukoy ang pinagmulan ng sunog.

Kaugnay ng insidente, iginigiit ng Pamahalaang Panlungsod ang kahalagahan ng pagkakaroon ng karagdagang fire truck na nakapaloob sa supplemental budget ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments