π— π—šπ—” π—•π—¨π—‘π—§π—œπ—¦ 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘ π—‘π—”π—•π—œπ—šπ—¬π—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—œπ—žπ—”π—¬ π—žπ—œπ—§π—¦, π— π—”π—§π—˜π—₯π—‘π—”π—Ÿ π— π—œπ—Ÿπ—ž 𝗔𝗧 π—•π—œπ—§π—”π— π—œπ—‘π—” π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—¦π—˜π—Ÿπ—˜π—•π—₯𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 π—‘π—š π—•π—¨π—‘π—§π—œπ—¦ 𝗗𝗔𝗬

Bilang selebrasyon ng Buntis Day sa Mangaldan nabigyan ng Kikay Kits, Maternal Milk, at Vitamins ang dalawang daang buntis.

Laking pasasalamat ng mga ito dahil ang mga ibinigay ay β€˜essential needs’ upang magkaroon ng malusog na pangangatawan ang ina maging ang sanggol sa kanilang sinapupunan.

Maliban naman sa mga regalong ito, importante ring mabigyang kaalaman ang mga soon to be mothers tungkol sa pangangalaga ng kanilang kalusugan maging ang kanilang mental health at oral health kaya nagsagawa rin ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan ng lectures ukol dito.

Ang Buntis Day sa bayan ng Mangaldan ay unang ipinagdiwang taong 2013 na may layuning bigyang prayoridad ang kalusugan ng mga buntis sa bayan sa pamamagitan ng health education at pagbibigay suporta sa kanila habang nagdadalantao. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments