π— π—šπ—” 𝗕𝗨𝗦 π—§π—˜π—₯π— π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—¦, 𝗛𝗔𝗑𝗗𝗔 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ——π—”π—šπ—¦π—” π—‘π—š π— π—šπ—” π—•π—œπ—¬π—”π—›π—˜π—₯π—’π—‘π—š π—£π—”π—Ÿπ—”π—•π—”π—¦ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

Dalawang araw matapos ang pagsalubong sa bagong taon, nakahanda na ang iba’t-ibang bus terminals sa lungsod ng Dagupan sa pagdagsa ng mga biyaherong aalis ng Pangasinan.

Ayon sa mga dispatcher ng bus, hindi gaanong dinagsa ang mga bus terminals, kahapon, dahil diumano’y maaaring nagseselebra pa ang mga biyahero sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Isa pa, anilang batayan, ay sa January 3 pa ang pagbubukas ng klase at pagbabalik trabaho ng karamihan, kaya’t inaasahan nila na sa ika-2 pa ng Enero babyahe ang mga ito.

Gayunpaman, handa ang mga pamunuan ng iba’t-ibang bus terminals sa lungsod, katuwang na ang kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mga terminal ng mga byahero.

Dagdag pa ng mga bus companies, na magbaon ng mahabang pasensya o pagtitiis sa pagpila para makakuha ng tiket, dahil nga sa pagdagsa ng mga uuwi pagkatapos ng holiday season. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments