Naghahanda na ang ilang bus companies sa lungsod ng Dagupan dalawang linggo bago ang pagdaraos ng Semana Santa simula March 24 ngayong taon.
Ayon sa ilang konduktor, sa tuwing biyahe lalo na kung dagsa ang byahero sa ilang mga magaganap na okasyon ay kanila umanong mas pinag-igting ang pagkukundisyon sa mga pampasaherong bus upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.
Ilang mga bus companies ay kasalukuyang nagpapatupad din ng advanced booking para sa mga pasaherong gustong maiwasan ang dagsa ng mas maraming tao.
Inaasahan na sa susunod na linggo, simula araw ng biyernes ay mararamdaman na ang dagsa ng mga taong uuwi pabalik sa kani-kanilang probinsya.
Kaugnay nito, nagbigay din ng katiyakan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na walang magiging problema sa byahe ang mga public transportation sa pagsapit ng Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨