𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Dagsa simula kahapon, March 31, ang mga bus terminals sa lungsod ng Dagupan ng mga byaherong magsisi-uwian na pabalik sa kanila-kanilang pinanggalingan.

Naranasan alas otso ng umaga, alas singko ng hapon, at alas nwebe ng gabi hanggang hatinggabi ang pinaka-peak ng mga taong bumyahe na.

Ayon sa ilang kawani ng bus companies, inaasahang umano na magpapatuloy hanggang ngayong araw ng Lunes ang pagdagsa ng mga commuters.

Samantala, nananatiling nakaantabay ang hanay ng kapulisan, iba pang law enforcement agencies maging mga Non-Government Organizations (NGOs). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments