𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗘Ñ𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗤𝗢𝗨𝗥 𝗕𝗔𝗡

Cauayan City – Nagbigay paalala ang pamunuan ng Public Order and Safety Division kaugnay sa umiiral na Liqour Ban Policy.

Dahil sa banta ng bagyong Enteng, mahigpit na ipinatutupad ngayon ang Liqour Ban Policy kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili, at pag-inom ng nakalalasing na inumin.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi nito na noong mga nakaraang ipinatupad ang nasabing polisiya ay marami na silang nasampolang mga tindahan at mga residente na sumuway sa kautusang ito.


Aniya, oras na sila ay may maaktuhang lalabag sa polisiyang ito ay sisiguraduhin nilang sila ay huhulihin at magkakaroon ng karampatang parusa upang sila ay magtanda.

Dagdag pa ni Chief Malillin, isinasaalang-alang lamang nila ang kapakanan ng mga mamamayan kaya’t hangga’t maaari, nakikiusap sila na sumunod ang lahat upang maiwasan na masangkot sa anumang aberya.

Facebook Comments