Suot ang kani-kanilang costumes, rumampa ang 14 pairs na mga bata mula sa Early Childhood Development Center ng bayan ng Mapandan para sa Search for Mr. and Ms. United Nations.
Ito ay bahagi ng Children’s Month Celebration ng lokal na pamahalaan na nagtatampok ng mga talento ng mga kabataan.
Ayon ka Rissa Capeseria, Project Development Officer 1 ng Municipal Social Welfare and Development Office, itinanghal na wagi ang nasa tatlong pares.
Maliban naman sa Mr. and Ms. United Nations, nagkaroon din ng Snack Distribution para sa 600 na bata na dumalo sa naturang selebrasyon.
Ang National Children’s Month ay idinaraos tuwing buwan ng Nobyembre na naglalayong mabigyang importansiya ang karapatan, kaligtasan, at ikabubuti ng mga batang pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments