𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗚𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔

Pansamantalang ipinagbabawal muna ang pagligo at pangingisda sa mga coastal areas sa lungsod ng Dagupan kasunod ng tumamang 7.5 magnitude earthquake sa Taiwan kaninang umaga lamang.

Ito ay epektibo sa lahat ng kailugan sa lungsod partikular na sa higit dinarayong Tondaligan Beach, sa ilang katubigan sa bahagi ng Binloc at Boquig at Pugaro Beach.

Ito ay upang maiwasan ang anumang water-related incident tulad ng pagkalunod sa posibilidad ng biglaang pagtaas ng alon sa mga dagat.

Samantala, malilift ang nasabing kautusan base sa ilalabas na desisyon ng kasalukuyang administrasyon kaugnay dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments