𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗫𝗜𝗖 𝗥𝗘𝗗 𝗧𝗜𝗗𝗘

Nananatiling ligtas mula sa banta ng toxic red tide ang mga coastal areas sa tukoy na mga bahagi sa Pangasinan.

Base sa inilabas ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA – BFAR), sa ilalim ng Shellfish Bulletin No. 11, Series of 2024, ang mga mariculture area sa Infanta at mga coastal waters sa mga bayan ng Bolinao, Anda, Sual, Bani at Alaminos City sa lalawigan ay kabilang sa mga bahaging ligtas sa toxic red tides.

Alinsunod dito, ligtas at maaaring kainin ang lahat ng uri ng shellfishes na nagmula sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, sa lungsod ng Dagupan, naglalaro naman sa P70 hanggang P80 ang kada kilo ng tahong habang nasa P60 at mahigit naman ang kada kilo ng talaba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments