𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗖𝗢𝗡𝗨𝗧 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗖𝗢𝗡𝗨𝗧-𝗖𝗢𝗙𝗙𝗘𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡

Sumailalim sa isinagawang 3 day Training course sa Coconut-Coffee Farming System ang mga coconut farmers sa Ilocos Region na ginanap sa bayan ng Bugallon.

Ang mga ito ay sinanay at nabigyan ng kaalaman ukol sa produksyon ng niyog at kape, mula sa pagtatanim nito hanggang sa iba pang farming techniques tulad ng wastong pruning, rooted cutting, cleaning at iba pa, upang matiyak ang maayos na paglaki ng mga itinanim na mga produkto.

Inaasahang sa pamamagitan nito ay makakatulong ang mga naibahaging kaalaman sa mga magsasaka upang mas mapalakas pa ang kanilang hanapbuhay.

Samantala, naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng Agricultural Training Institute Regional Training Center 1, Department of Agriculture Region 1, Philippine Coconut Authority at lokal na pamahalaan ng Bugallon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments