𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Patuloy rin na dumadaing ang mga college students sa lalawigan sa nararanasang init ng panahon.

Ang ilan sa mga ito, idinaan sa social media ang pagdaing at sinabing dapat sana’y kasama rin umano sila sa mga dapat pagbigyan ng class suspension.

Ang ilan naman, idinaan sa pagbibiro o pagsheshare ng mga memes sa social media ang tindi ng init na nararanasan.

Una na rin inihayag ng kagawaran ng edukasyon na bibigyan nila ng karapatan ang mga eskwelahan na magpatupad ng class suspension o magkaroon ng kaunting pagbabago sa method ng pag-aaral ng mga estudyante dahil sa init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments