𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡-𝗕𝗢𝗨𝗡𝗗, 𝗜𝗣𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Ipit sa mas mabigat na daloy ng trapiko ang mga commuters na Dagupan-bound sa ilang pangunahing kakalsadahan sa Dagupan City bunsod ng nagpapatuloy na road constructions sa lungsod.

Ayon sa mga commuters, hindi na raw bago sa mga ito ang traffic bagamat kumpara ngayon ay mas mabagal ang daloy ng trapiko.

Ang ibang commuters dahil ipit na sa byahe ay bumababa na lamang at nilalakad na lamang kung walking distance na lamang ang layo ng kani-kanilang pupuntahang lokasyon.

Mabagal na ang daloy ng trapiko nang mga nakaraang araw bagamat mas ramdam ang bigat nito dahilan na umpisa na rin sa konstruksyon ang road projects sa bahagi ng M.H. Del Pilar St.

Kasalukuyan din ang pagsasaayos sa kahabaan ng Perez Boulevard at naumpisahan na ang kanang bahagi ng kalsada rito.

Samantala, kaugnay nito, patuloy na nakikiusap ang lokal na pamahalaan at ahensyang DPWH sa abalang dulot nito maging pag-unawa na kung matapos na ang mga proyekto ay para rin umano ito sa ikagiginhawa ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments