Tiyak daw ang magiging pagtitipid ng mga consumers sa Dagupan City kasunod ng pagtaas sa Suggested Retail Price ng mga noche buena products para sa Holiday Season.
Matatandaan na inilabas ngayon ang mga noche buena items at mga presyo nito at nakitaan ang bahagyang pagtaas ang ilan sa mga produkto.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, nasa 5 percent ang average increase ng mga items sa pricing guide kumpara noong nakaraang taon na nasa 11 percent.
Dagdag pa nito na mananatili ang mga presyo sa price guide hanggang sa Dec. 31 matapos nilang mapakiusapan ang mga manufacturers ng mga produkto.
Samantala, ngayon pa lang ay maglalaan na ang mga consumers sa budget para sa mga partikular na produkto ang bibilhin at kanilang ihahanda para hindi raw tuluyang mapagastos ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments