Pabor ang mga mag-aaral sa lalawigan ng Pangasinan tulad ng mga estudyante na nag-aaral sa Dagupan City ukol sa isinabatas nito lamang na ‘No permit, no exam’ prohibition act.
Ang ilang estudyante sinabing malaki ang tulong ng batas na ito sa kanila lalo na sa mga nahihirapan na makakabuo ng kanilang pangmatrikula para lamang makahabol sa deadline ng bayaran.
Pati mga working students, pabor din sa pagsasabatas ng naturang prohibition act nang sa gayon ay hindi sila mahirapan lalo at may iba’t-iba rin silang pinaggagastusan bilang estudyante.
Isinabatas na ni Pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr. ang naturang prohibition act bilang pagbibigay ng konsiderasyon sa mga mag-aaral na nahihirapan pang makapang-bayad ng matrikula o tuition fee ngunit nais na makapag-take pa rin ng periodical at final exam.
Sa ilalim ng naturang batas,nakasaad ang pagbabawal sa mga paaralan ang pagpipigil sa mga mag-aaral na makakuha o makapag take ng periodical at final examinations dahil lamang hindi nakapagbayad ng tuition fee. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨