Umabot na sa walong libo o 8,000 na mga dagupeno sa lungsod ng Dagupan ang nakapagbakuna. sa libreng flu at pneumonia vaccine ng lokal na pamahalaan.
Sa paglilibot ng lokal na pamahalaan sa mga bara-barangay sa lungsod ay naihatid ang mga libreng vaccine na makatutulong sa kalusugan ng kanilang nasasakupan kung saan bahagi ito ng ‘Kalusugan at Kaligtasan for All’ program ng alkalde ng lungsod.
Simula September 2023- January 4, nasa 5,200 na mga residente na nasa edad labingwalo pataas ang nakapag-avail ng flu shots.
Simula naman July 2023-January 4 ay nasa 2,716 naman na mga senior citizens ang nakatanggap naman ng pneumococcal vaccine.
Maiging inilulunsad sa mga barangay ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga vaccination activity na siyang sinuportahan naman ng mga barangay council para sa libreng serbisyo pangkalasugan na nararapat para sa mga residente.
Malaking bahagi rin ito sa mga residente bilang nakatulong ang mga ganitong klase ng aktibidad na makabawas gastos pagdating sa kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨