Thursday, February 19, 2026

π— π—šπ—” π——π—˜π—•π—’π—§π—’, π—‘π—”π—žπ—œπ—œπ—¦π—” 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—§π—” π—‘π—š 𝗔𝗦𝗛 π—ͺπ—˜π——π—‘π—˜π—¦π——π—”π—¬


β€ŽCauayan City – Dinagsa ng mga debotong Katoliko ang misa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ash Wednesday kahapon, ika-18 ng Pebrero.

β€ŽSa mensahe ni Reverent Father Vener Ceperez nitong Ash Wednesday, sinabi niyang kailangang bukal at malinis ang puso sa pagtanggap sa biyayang ipinagkakaloob ng Diyos.

β€ŽIpinaalala rin ng pari na madalas makaligtaan ng tao ang presensya ng Diyos sa araw-araw na pamumuhay.

β€ŽDahil dito, hinikayat niya ang mga mananampalataya na paigtingin ang personal na pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.

β€ŽPaliwanag pa niya, kapag nawawala sa puso ng tao ang presensya ng Diyos, mas nagiging madali ang paggawa ng kasalanan tulad ng panlilinlang at unti-unting nagiging sekular ang pamumuhay.

β€ŽAng Ash Wednesday ay isang mahalaga at banal na araw para sa mga Kristiyano dahil ito ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma o Lenten Season.
————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments