Humakot ng medalya ang mga delegado ng Pangasinan sa 8th National Paralympics Games 2024 na ginanap sa Rizal Memorial sports Complex sa Maynila at Philsports Arena sa Pasig.
Ang naturang kompetisyon ay nagsimula noong November 11 at magtatapos ngayong araw ng Biyernes.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, nauna nang Nasungkit ng mga ito ang labing isang medalya mula sa iba’t-ibang sports category.
Lima ang nag-uwi ng ginto, apat sa silver at dalawa sa bronze mula sa sports na table tennis, shot put, Javelin, swimming and running.
Tunay ngang hindi hadlang ang kapansanan upang maabot ang hangarin sa buhay.
Mula sa IFM congratulations! Magsilbi sanang inspirasyon sa iba ang inyong dedikasyon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments