Bukas na ang aplikasyon para sa mga aktibong empleyado na ang kanilang bayan ay isinailalim sa state of calamity at nagnanais kumuha ng calamity loan ayon sa tanggapan ng PAG-IBIG.
Ayon sa pamunuan ng PAG-IBIG Dagupan City Branch, mayroong siyamnapung araw ang isang miyembro upang mag-apply sa calamity loan mula nang ideklara ang state of calamity sa isang lugar.
Ilan sa mga requirements na hinahanap ng PAG-IBIG ay application form,valid ID, Declaration of Income at Disbursement Card.
Samantala, paalala ng tanggapan na kinakailangang may kontribusyon ang isang miyembro na hindi bababa sa dalawampu’t apat na buwan upang maging kwalipikado sa calamity loan.
Dagdag ng tanggapan na maaring magpasa ng aplikasyon sa mga opisina ng PAG-IBIG at sa Virtual PAG-IBIG kung saan pupunan lamang ng miyembro ang form online at awtomatikong didirekta sa employer.
Matatandaan, na isinailalim sa State of Calamity ang bayan ng Calasiao at Mangatarem dahil sa pinsalang dulot ng Bagyong Enteng sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨