𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗢𝗟𝗬𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔

Hinikayat ang mga empleyado ng kapitolyo na patuloy na magampanan ang trabaho ng may malasakit at pagmamahal sa probinsya.

Sa mensahe ni Provincial Legal Officer Atty. Baby Ruth F. Torre sa flag raising ceremony sinabi niyang inaasahan na ang lahat ng empleyado ng Kapitolyo ay ibinibigay ang kanilang pinakamagaling na serbisyo.

Aniya, noong nag-uumpisa pa ang Gobernador Ramon Guico III, sinabi niya na “this is our time to shine. Baka meron mga empleyado na hindi nabibigyan ng pansin. Ito na ang ating pagkakataon para maipakita kung anong maibibigay natin sa ating mahal na probinsya.”

Ipinagbigay alam din niya na ngayong linggo ay may mga delegasyon ang probinsya sa Estados Unidos at iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa 126th Philippine Independence Day Parade sa New York. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments