𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗥𝗣𝗥𝗜𝗦𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗧𝗘𝗦𝗧

Nasorpresa ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan nitong lunes, nang isagawa ang surprise mandatory drug test, sa munisipyo ng bayan.

Aabot sa mahigit 500 empleyado mula sa iba’t ibang departamento, mapa-job order o contract of service.

Ayon sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan, layunin ng nasabing drug test na masigurong ligtas at walang puwang ang droga sa bisinidad ng kanilang pinagtatrabahuan.

Samantala, katuwang naman ng lokal na pamahalaan ang Dangerous Drug Abuse Treatment and Prevention Program ng DOH-Ilocos Region, pagsasagawa ng drug test.

Dagdag din ang puwersa ng hanay ng kapulisan upang masigurong walang nakatakas o umiwas sa isinagawang drug test.

Samantala, ang sinumang magpopositibo umano sa nasabing drug test, ay i-eendorso sa Human Resource and Management Office gayundin sa PNP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments