𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗩 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡

Sumailalim sa HIV Awareness Campaign ang ilang Senior High School Students sa Dagupan City National High School kasabay ng paggunita sa World AIDS Day.

Ayon kay City Health Officer Dr. Ophelia Rivera, layunin ng kampanya na mabigyan ng angkop na kaalaman ang mga kabataan patungkol sa sakit HIV upang matutukan ang naitalang kaso ng sakit sa lungsod.

Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng pag-iwas sa sakit at pagtalima sa health authorities para sa kaukulang antiretroviral drugs upang makamit ang tinatawag na viral suppression.

Tiniyak naman ng opisyal na walang kailangang ikabahala ang mga Dagupeños sa kumpirmadong kaso ng HIV dahil nasa hanggang tatlo lamang ang average case na naitatala kada taon at nagpapatuloy ang mga interbensyon ng tanggapan sa naturang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments