𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢, 𝗠𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗚 𝗨𝗡𝗜𝗣𝗢𝗥𝗠𝗘 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘

Maari nang hindi mag uniporme ang mga mag-aaral sa bayan ng Pozorrubio bilang hakbang sa pag-iingat kontra Dengue.

Sa inilabas na Executive Order No. 33 o ang pansamantalang pagkasuspindi sa pagsusuot ng uniporme sa pampubliko at pribadong paaralan na sakop ng bayan.

Ang Pozorrubio ay nakapagtala na ng Nasa 26 kaso ng dengue mula Enero hanggang August 12 ngayong taon.

Dahil dito, Hinikayat ng lokal na Pamahalaang ang mga mag-aaral na magsuot ng jogger pants o anumang kasuotan na magagamit bilang proteksyon sa kagat ng lamok

Kaugnay nito, patuloy na isinasagawa ang misting at fogging operation sa mga outbreak zones o hotspots ng dengue sa bayan lalo na sa mga paaralan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments