𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘

Umabot sa 186 na mga estudyanteng blood donors ang nakiisa sa isinagawang Blood Donation Drive sa isang unibersidad sa lungsod ng Urdaneta.

Pinangunahan ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter, PAMET Pangasinan at City Health Office ng Urdaneta ang naturang aktibidad na panawagan sa pakikiisa sa pagdodonate ng dugo upang madugtungan ang buhay ng isang indibidwal.

Matatandaan na ilang bayan sa lalawigan ang nanawagan na makiisa sa blood donation drive upang matugunan ang mataas na demand ng suplay ng dugo sa probinsya.

Samantala, nakatakdang magsagawa muli ang PRC Pangasinan Chapter ng blood donation drive ngayong araw sa isang unibersidad sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments