Sumailalim sa isang food safety training ang mga fish deboners mula sa Malimgas market sa Dagupan City.
Nasa limampung mga fish deboners ang sumailim sa naturang training kung saan ibinahagi sa mga ito ang maganda at malinis na pamamaraan pagdating sa fish processing.
Mainam na malaman ito ng mga fish deboners bilang isa ang lungsod sa mga dinadayo para bumili ng mga boneless na isda lalo na ang isdang bangus na siyang pangunahing produkto rin ng lungsod.
Kabilang din sa naturang training ang pagbibigay kaalaman pagdating sa paghahanda at pag-iimbak sa mga pagkain para maiwasan naman ang mga foodborne illness at disease outbreak.
Samantala, layunin ng naturang training na bigyan ng halaga ang food safety lalo na at inilalako ang mga produkto sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨