𝗠𝗚𝗔 𝗙𝗨𝗟𝗟𝗬 𝗜𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗨𝗠𝗣𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢

Pumalo na sa higit tatlumpung libo o 30,128 ang mga batang fully immunized na sa rehiyon uno sa unang quarter ng taong 2024, ayon sa kasalukuyang datos na inihayag ng Department of Health – Center for Health Region 1.

Ayon kay DOH-CHD 1 Regional Director, Dr. Paula Paz Sydiongco, kabilang ang rehiyon uno sa top 5 ng mga may pinakamataas na bilang ng mga bakunado na kung ikukumpara sa ibang rehiyon.

Binigyang –diin nito ang importansya ng pagpapabakuna kung kaya’t hinihikayat nito ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para masigurong immunized ang mga ito at makaiwas sa iba’t-ibang uri ng sakit.

Ang kasalukuyang naitala ng departamento ay katumbas ng 28.89% sa target nilang 104,281 0-12 months na mga bata.

Sa ngayon, patuloy ang pagsasagawa ng kanilang tanggapan ng mga pinaigting pang vaccination at nagpapadagdag pa ng man power o mga nurses sa mga local government units tulad sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments