Nagbigay paalala ang tanggapan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga furparents sa probinsya kaugnay sa pangangalaga ng kanilang mga alagang hayop ngayong mainit ang panahon.
Huwag umanong kalilimutan ang mga lagang hayop tulad ng aso at pusa dahil nararamdaman din ng mga ito ang matinding init ng panahon.
Dapat na mailagay ang mga alagang hayop sa isang komportableng lugar na may maayos na bentilasyon at huwag hahayaang palabasin ng bahay sa mga oras kung saan matinding ang sikat ng araw.
Dapat rin na masiguro ng mga tagapangalaga ng gma ito na sapat ang kanilong iniinom na tubig dahil maaari rin silang tamaan ng ilang sakit tulad ng animal heat stroke.
Samantala, patuloy pa rin na nakararanas ng matataas na heat indices ang probinsya gaya sa Dagupan City kung saan isa sa mga naitatalang may pinakamatataas na temperaturang nairerecord ng PAGASA pagdating sa heat index. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨