𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗥𝗠𝗔𝗦, 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠

Aksidenteng nahukay ng isang lalaki ang ilang granada at armas sa bayan ng Mangatarem.

Agad na nireport ng caretaker ng lupa sa Mangatarem Police Station ang mga nahukay nitong mga granada at armas.

Ayon sa caretaker, aksidente umano nitong nahukay ang mga granada at armas sa lupang inihanda bilang residential use.

Narekober ng kapulisan ang iba’t-ibang rifle magazine, isang M26 fragmentation hand grenade, tatlong piraso ng rifle grenade, dalawang shotgun ammunition, labing apat na piraso ng rifle short magazine, at isang rifle long magazine.

Humingi naman ng assistance ang kapulisan sa Pangasinan 2nd District Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments