π— π—šπ—” 𝗛𝗔𝗬𝗒𝗣, π—”π—£π—˜π—žπ—§π—”π——π—’ π—₯π—œπ—‘ π—‘π—š π— π—šπ—” π—£π—”π—£π—¨π—§π—’π—ž; 𝗗𝗒𝗛, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”

Karaniwan na sa mga pinoy ang magpaputok sa tuwing sasapit ang bagong taon. Ayon sa paniniwala, ito ay ginagawa upang itaboy ang malas sa paparating na bagong taon. Gayunpaman, para sa mga alagang hayop, ito ay isang bagay na dapat isaalang-alang para sa kanila.

Kasama sa inisyatibong β€˜Bawat Buhay Mahalaga’ at Iwas-Paputok Campaign ng Department of Health (DOH) ang pagtugon sa mga maaaring maramdaman ng mga alagang hayop. Kaya naman, ang ahensya ay naglabas ng ilang mga paalala upang maiwasan ang mga masamang epekto para sa mga ito.

Paalala ng DOH, na nakakastress, diumano, ang ingay ng mga paputok sa mga aso, pusa at iba pang mga alagang hayop. Payo nila, na ipuwesto ang mga naturang alagang hayop sa ligtas na lugar na malayo sa epekto at ingay ng paputok.

Mas maigi, anila, huwag nang gumamit ng ano mang uri ng paputok sa mismong bahay. Dagdag pa nila, na ang usok na nagmumula sa paputok ay may masamang epekto, hindi lamang sa mga alagang hayop, kundi sa mga tao rin.

Samantala, mariin pa rin ang pagpapaala sa mga tao na huwag nang magpaputok sa darating na selebrasyon ng bagong taon upang makaiwas sa mga posibleng epekto nito. | π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments