𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Mas pinag-iigting pa sa lungsod ng Dagupan ang mga programang nagtataguyod sa pangkalahatang kalusugan ng mga residente.

Patuloy na umaarangkada ang programang home visits kung saan direktang tinutungo ng mga health officers ang mga residente sa mga bara-barangay upang mahatiran ng tulong medikal tulad ng health consultation at pamamahagi ng mga bitamina at gamot.

Inaasahan din ang pagkakaroon at pagbubukas ng mga super health centers sa ilang mga barangay sa lungsod.

Sa kasalukuyan, isa pa sa tinalakay at pinoproseso ngayon ay ang pagpapatayo ng DOH Maternity and Children’s Hospital na aantabay sa kapakanan ng bawat nanay at mga batang Dagupeño.

Samantala, target pa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagpapalawig pa sa mga health services para sa serbisyong pangkalusugan hatid lalo na sa mga indigent Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments