𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗦𝗧 𝗟𝗔𝗡𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗨𝗣𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡; 𝗖𝗢𝗗𝗘 𝗪𝗛𝗜𝗧𝗘 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢

Sa paglulunsad kamakailan ng Oplan Iwas Paputok ng Department of Health (DOH), nabuksan ang mga fast lane o express lane sa mga pampublikong ospital ng mga firecracker-related injuries.

Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, ng DOH Center for Health Development Region I (DOH-CHD 1) na ang fast lane ay bahagi ng kanilang Ligtas Christmas para sa Healthy Pilipinas Campaign upang magbigay ng mabilis na pagtugon sa mga firecracker injuries at iba pang holiday-related injuries.

Dahil dito, mas maraming mga medikal personnel ang idineploy mula noong ikalawang linggo ng Disyembre at mananatili hanggang sa unang linggo ng Enero taong 2024 at ang mga ospital na pinamamahalaan ng gobyerno ay inilagay sa Code White Alert Status.

Hindi bababa sa isang doktor ang naka-standby sa bawat shift upang matugunan ang mga pasyenteng isinusugod sa fast lane.

Pinayuhan ni Bobis ang mga pamilya na magpatupad ng first aid procedures sakaling magkaroon ng firecracker injuries sa pamamagitan ng paghuhugas kaagad ng tubig sa apektadong lugar, pagkatapos ay isugod ang pasyente sa ospital anuman ang kalubhaan ng pinsala para sa tamang lunas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments