𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗨𝗣𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Naghahanda na ang iba’t-ibang mga hospital sa lalawigan ng Pangasinan, pribado man o pampubliko, ngayong nalalapit na pagsalubong sa bagong taon.

Dahilan ng kanilang paghahanda ay kung sakaling may mga maitalang kaso ng mga naputukan ng paputok sa lalawigan ay agad na mabigyan ng kaukulang serbisyo.

Matatandaan sa datos ng DOH-ILOCOS na nagkaroon ng 82% na pagtaas ng kaso ng Fireworks-Related injuries (FWRIs) katumbas ng 60 na kaso ang naging kaso noong December 1, 2022 hanggang January 1, 2023.

Matatandaan din na ang lalawigan ng Pangasinan ang nangunguna sa listahan ng mga fireworks related injuries na may 45 kaso, ang La Union ay may siyam (9), Ilocos Sur na may lima (5) at Ilocos Norte na may isang kaso.

Samantala, patuloy ang paalala ng mga ahensya gaya ng DOH, PNP, at BFP na huwag na lang gumamit ng mga paputok na posibleng makapaminsala.

Dito sa Dagupan City, as of December 27, may naitala ng kaso ng fireworks related injuries sa Brgy. Malued na may apat na katao ang sugatan dahil sa pagsisindi ng sigarilyo ng isang lalaki sa lugar kung saan nakaimbak ang mga nakatagong paputok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments