Umabot sa labingpitong libong mga indibidwal sa Ilocos Region ang matagumpay na nailikas bago pa ang pananalasa ng nagdaang Bagyong Pepito sa rehiyon.
Sa tala ng Office of the Civil Defense 1, kabuuang 17, 389 na mga residente ang kabilang sa hakbang ng DRRMS na pre-emptive evacuation.
Katumbas nito ang 5, 798 families kung saan 10, 916 indibidwal ay mula sa Ilocos Sur, 3, 680 indibidwal mula sa La Union, 2, 799 katao mula sa Pangasinan at 444 residente mula sa Ilocos Norte. Bago pa ang pagtama ng bagyo, mariing iginiit ng awtoridad ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation upang maiwasan ang anumang typhoon-related incident sa kasagsagan ng bagyo.
Nagpapatuloy pa ang assessment at monitoring ng awtoridad sa kabuuang bilang ng mga naapektuhan maging ang nararapat na tulong maipapamahagi sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨