Nakauwi na sa kani-kanilang tahanan ang ilang residenteng inilikas ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa San Fabian dahil sa bagyong Marce.
Inilikas ang mga nasa labing walong pamilya sa lugar dahil sa naging banta ng bagyo.
Sa probinsya ng La Union pumalo sa 105 pamilya ang inilikas na pawang residente ng coastal areas at mga tabing ilog.
Matatandaan na naglaan ng 28,787 food packs na nagkakahalaga ng PHP 20.6 million samantalang 14,944 non-food items na katumbas ng 37.3 million ang Department pf Social Welfare and Development Field Office 1 sa mga apektadong residente sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments