𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔-𝗖𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚

Hinihikayat ngayon ng ilang hospital sa Pangasinan tulad ng Region 1 Medical Center o R1MC ang mga kababaihan na magpa-cervical cancer screening para sa early detection at agad itong maagapan kung sakali.

Magkakaroon ng libreng cervical cancer screening sa naturang ospital sa darating na May 23 hanggang 24 bilang pakikibahagi sa Cervical Cancer Consciousness Month.

Hinihikayat ngayon ang mga kababaihan na kunin ang pagkakataon na makapagpa-screening ng libre nang sa gayon ay magkaroon ng pagtaas ng rate ng mga gagaling sa sakit maging makapagligtas ng buhay.

Dagdag pa rito, payo rin ngayon ng R1MC sa mga indibidwal na kumuha rin ng HPV vaccine bilang primary prevention na rin lalo at napatunayan na epektibo ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments