Lumahok ang nasa higit pitumpung mga kabataan sa isang barangay sa Alaminos City sa isang symposium ukol sa Kabataan Iwas Droga (KID) Kamusta Kabataan Project.
Para ito sa pagpapataas pa ng kamalayan ng mga kabataan ukol sa program OPLAN Pare o (Programs for Anti-Rape) at Drug Awareness.
Binigyang diin ng lokal na pamahalaan ang importansya ng pagkakaroon tamang kaalaman ng mga kabataan pagdating sa usapin ng iligal na droga.
Maaari kasing itong makatulong upang sila ay matulungan na hindi malihis ng landas at hindi malulong sa masamang dulot ng iligal na droga.
Bukod sa symposium ay may libreng serbisyo rin na inihatid sa mga kabataan tulad ng vital signs check-up, libreng gupit, interaktibong palaro, at fellowship meal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments