𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Malasiqui ang mga kabataan sa bayan na makiisa sa itatatag na organisasyong pang agrikultura bilang pagpapalakas sa proyektong pangkabuhayan ng mga kabataan.

Ayon sa Municipal Agrictural Office,maaring magmula sa mga out-of-school youth at in-school youth sa bayan ang magiging miyembro ng samahan na tatawaging 4H Club.

Ang 4 H Club na nangangahulugang Heart, Hand, Head at Health kung saan nakatakdang magsagawa ng community projects upang mahulma ang karakter ng mga ito sa lipunan.

Magsisilbing kasapi sa Federation of 4-H Clubs Philippines ang magiging miyembro mula sa Malasiqui na pamumunuan ng mga kabataan na itatalagang Board Members. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments