𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝟭, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦

Matagumpay na ipinamahagi ng Department of Science and Technology (DOST) Region 1 ang mga kagamitang pansaka ng mga magsasaka sa bayan ng San Nicolas.

Nasa kabuuang 25 na mga magsasaka mula sa mga Barangay ng Fianza at San Filepe ang tumanggap ng 25-unit ng Multi-Purpose Solar o PORTASOL Drying Trays isang kagamitan na makakatulong sa kanilang mga pagsasaka mula sa ahensya.

Layunin ng bagong kagamitang ito ng mga magsasaka upang mas mapalakas ang sektör ng agrikultura sa kanilang bayan sa pamamagitan ng pagpapatuyo ng kanilang mga pananim gamit ang naturang drying tray.

Samantala, ang mga lugar na nabanggit ay tinaguriang geographically isolated barangay sa bayan ng San Nicolas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments