𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗞𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧

Iginiit ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga mandatory requirements na dapat kunin at ipresenta ng isang indibidwal upang pahintulutan ang pagpasok ng mga ito ng hayop sa Region 1.

Ayon sa BAI, Dapat na masunod ang mga pamantayan sa pagbyahe ng hayop papasok sa ibang rehiyon dahil alinsunod ito sa DA Administrative Order No. 05, series of 2019 na nagsasaad ng layunin na pangalagaan ang kalusugan ng mga hayop at matiyak na hindi makakapasok ang mga may sakit na hayop mula sa ibang lugar.

Ilan lamang sa kaukulang dokumento ay ang certificate mula sa veterinarian o government veterinarian, livestock/poultry transport carrier registration certificate at livestock/poultry handler’s license certificate na mula sa BAI o sa kagawaran ng Agrikultura pati rin shipping permit na mula sa BAI-NVQSD.

Dagdag pa ng tanggapan, ilan pa sa mga dokumentong kinakailangan ay kung may umiiral na sakit ng hayop o outbreak ang isang hayop sa pinanggalingang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments