𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗔𝗕𝗢𝗧-𝗞𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗢𝗗𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

Inaasahan ngayon ng mga konsyumer sa lungsod ng Dagupan ang mas mababa at abot-kayang presyo sana ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin sa pagbubukas ng taong 2024.
Makailang pagtaas kasi ng presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan ang naranasan umano nila ngayong taon kung saan nahihirapan sila na mapagkasya ang kakarampot na kinikita sa pagtatrabaho lalo na ng mga nasa minimum wage lamang.
Bagamat, hindi umano nakikipagsabayan ang presyo ng bigas ngayon sa mga presyo ng ilang mga bilihin tulad ng produktong itlog, manok at baboy ay paniguradong mataas pa rin umano ang presyo nito.

Sa ngayon, laking ginhawa umano sa mga konsyumer ang pagbaba ng presyo ng produktong gulay na siyang bulto nilang binibili para may ulam habang pinaghahandaan nila ang budget para sa selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Umaasa ang mga konsyumer sa mas abot kayang presyo ng mga basic commodities sa susunod na taon para makabawi sa hirap sa pag budget na kanilang naranasan ngayong taong 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments