𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗞𝗔𝗟, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isasagawa ngayong araw ang libreng serbisyong medikal sa West Central Elementary School sa lungsod ng Dagupan.
Bahagi ito ng programa ng lokal na pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga residente sa pamamagitan ng Alagang Healthy Dagupeño program. Kabilang sa libreng serbisyong ang minor operation sa lipoma, cyst, breast mass, moles hernia at warts. Bukod dito, isasagawa din ang libreng operasyon tuli.
Samantala, ang mga diagnostic services sa City Health Office tulad ng X-Ray, ECG, Ultrasound at CT Scan ay libreng ipinagkakaloob sa mga residente. Magtungo lamang umano mula Lunes hanggang Biyernes alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon (8:00 AM – 5:00 PM). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments