𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗢𝗪-𝗜𝗡𝗖𝗢𝗠𝗘 𝗘𝗔𝗥𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗

Target ngayon na matulungan ang mga low-income earners sa bayan ng Mangaldan sa pamamagitan ng AKAP o Ayuda para sa Kapos ang Kita Program ng Department of Social Welfare and Development.

Sa ilalim ng naturang programa napiling unang benepisyaryo rito ang mas higit tatlong daang job order workers ng munisipyo.

Ayon sa DSWD, hindi na umano pwedeng maging benepisyaryo ng naturang programa ang mga tumatanggap ng regular assistance sa gobyerno tulad ng 4Ps maging social pensioner.

Samantala, layon ng programang ito ng DSWD na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga nasa maituturing na ‘near poor’ at ‘low-income earner’ na siyang naapektuhan ng economic inflation sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments